5 pa Bali bomber, tutugisin

PLPHP - AFP

KUTA, Indonesia-Isinumpa kahapon ng Indonesia na tutugisin nito ang lima pang Bali bomber na nasa laya pa rin, isang taon makalipas ang pag-atake sa isla kasabay ng pagluluksa ng humigit-kumulang 2,000 kamag-anak ng mga nabiktima ng pambobomba.

 

"Make no mistake that those outstanding suspects will be hunted down," anang security minister Susilo Bambang Yudhoyono. "History will condemn them for ever."

 

Matatandaang nagpatupad ng pambobomba ang mga hinihinalang miyembro ng Jemaah Islamiyah sa dalawang night club sa isla, kung saan 202 katao ang nasawi karamihan ay mga turista.

 

Nakadakip ang Indonesian police, sa tulong ng Australian investigators ng 34 katao at karamihan ay nailagay sa likod ng rehas. Tatlo sa mga salarin ay nahatulang mamatay sa pamamagitan ng firing squad, habang ang iba ay magtatagal sa kulungan.

 

Gayunman, nagbabala si Bali police chief I Made Mangku Pastika, na ang limang nakalalayang suspek sa Bali bombing ay gumawa muli ng mga bomba at posibleng umatake muli.
1
1176
تعليقات (0)