Arafat, PM Qureia, di nagkakasundo

PLPHP - AP

RAMALLAH, West Bank-Tumitindi ang sigwa sa pagitan ni Yasser Arafat at ng kanyang bagong Prime Minister na si Ahmed Qureia tungkol sa kung sino ang itatalagang bagong Palestinian security chief, na nagiging banta sa pagpapababa sa bagong opisyal sa puwesto makaraang maitalaga noong nakaraang linggo.

Sa isang pakikipag-argumento kay Arafat dalawang araw na ang nakalilipas, natunugan ni Qureia na posibleng mapaaga ang kanyang pagbaba sa puwesto. Ang gabinete ni Qureia ay itinalaga noong Oktubre 5 at maglilingkod nang isang buwan.

 

"We have a crisis but we are still trying to work it out," ani Palestinian Cabinet Minister Saeb Erekat. Ang argumento sa pagitan nina Arafat at Qureia ay nakatuon sa pagtatalaga kay Nasser Yousef bilang interior minister, na maglalagay sa kanya bilang hepe ng Palestinian security forces. Ang pagtanggi ni Arafat na iwan ang buong kontrol sa mga puwersa ay nagbigay-daan sa pagbibitiw ni Mahmoud Abbas bilang prime minister noong nakaraang buwan.

Samantala nagpatuloy ang pagsalakay sa Rafah refugee camp sa Gaza, kung saan hinalughog ng Israeli troops ang ilang tunnel na kanilang hinihinalang puslitan ng mga armas. Isang Palestino ang napatay at ayon sa mga residente ilang kabahayan ang sinira.

1
1177
تعليقات (0)