Pinatalsik na Army Officers, nag-rally; trabaho, binabawi

PLPHP - AP

KABUL, Afghanistan-Daan-daang army officers na napatalsik sa tungkulin nang nagdaang buwan sanhi ng rigodon sa Defense Ministry ng Afghanistan ang nag-rally kahapon upang hilinging ibalik ang kanilang mga trabaho kasabay ng akusasyong pinabayaan sila ng gobyerno.

 

Ang protesta ay nakakuha ng atensyon ng humigit-kumulang 400 opisyal at ilang onlookers.

 

Maraming opisyal ang may dalang banners, at ilan ang nagsisigaw ng slogan laban sa gobyerno at Amerikano.

 

"We want justice! This decision is unfair!" sigaw ng ilan.

 

"It's an unjustified decision by the government," ani Lt. Gen. Hainuddin, 37, na tinanggal sa serbisyo ilang buwan na ang nakalilipas. "Our government has been betrayed by the foreigners and it acts on the dictates of the foreigners."

1
1197
تعليقات (0)