20 Taon na pagkabilanggo, hatol sa nambomba kay Caday

PLPHP - AFP

JAKARTA-Sinentensyahan kahapon ng isang Indonesian court ng 20 taong pagkabilanggo ang lalaking napatunayang nagkasala ng pambobomba sa tirahan ni Philippine ambassador Leonidas Caday, at dalawang simbahan sa Jakarta tatlong taon na ang nakalilipas.

 

"The defendant, Abdul Jabar, has been proven to have possessed and used explosive materials illegally and jointly with others launched a bomb attack on the home of the Philippine ambassador," ani chief judge Pramudana.

 

Ang car bomb attack noong Agosto 2000 ay ikinamatay ng dalawang Indonesian at ikinasugat ng 21 iba pa kabilang si Caday.

 

Ayon sa prosecutors, na humiling ng habambuhay na pagkabilanggo, ang pag-atake ay upang ipaghiganti ang pagkamatay ng kasama sa separatist conflict sa katimugang bahagi ng Pilipinas.

1
1198
تعليقات (0)