Baha sa China: Death toll 23 na

PLPHP - AFP

BEIJING-Labindalawang katao pa ang kinumpirmang namatay kahapon mula sa kumulapsong bahay sa China sa Shaanxi province sanhi ng walang tigil na pag-ulan, ulat ng Xinhua news agency.

 

Ang lugar na limang araw nang inuulan ay nag-ulat na ng 11 patay kamakalawa mula sa mga nagibang bahay sa bayan ng Shanyang, Heyang at Longxian, ayon sa Xinhua.

 

Ang bagong naiulat na casualties ay mula sa Lintong district at bayan ng Chengcheng at Baishui.

 

Ayon sa ulat tungkol sa panahon, nakikitang huhupa ang pag-ulan kahapon ngunit bubuhos muli sa Sabado.

 

Nagsimula nang mag-inspeksyon ang local governments upang alamin kung alin ang mga bahay na nanganganib na masira.

1
1199
تعليقات (0)