Impeachment Complaint vs Davide et al, inaprubahan

Maricel V. Cruz, Kabayan

TILA isang tagumpay sa kampo ni dating Pangulong Joseph Estrada ang pagkaka-apruba ng complaint na "sufficiency in form" sa reklamong impeachment na isinumite laban kay Supreme Court Chief Justice Hilario Davide Jr. at pito pa nitong associate justice.

 

Nanalo sa botong 36-22-5, inaprubahan ng panel, na pinamumunuan ni Rep. Marcelino Libanan ng Eastern Samar, ang reklamo na ang basehan ay "sufficiency in form" bagaman ilang congressmen ang umapela para maresolba ang unang proposed amendment.

 

Ang 36 na boto na naniniwalang ang reklamo ay sufficient in form ay mas mataas sa kalahati ng 67 miyembro ng panel o ng hinihinging bilang ng reklamo para umusad ang kaso.

 

Isinumite ni Estrada ang reklamo sa pamamagitan ng kanyang counsel na si Rene Saguisag at inakusahan ang lahat na pumunta sa EDSA noong Enero 20, 2001 na lumabag sa Konstitusyon, pati na rin sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees at nagkasala ng mataas na krimen nang magkasundong payagang manumpa ang bagong pangulo.

 

Sinabi rin sa reklamo na si Davide at ang pito pang ibang SC justice ay lumabag sa prinsipyo ng Konstitusyon ng paghihiwalay ng simbahan at estado dahil gumamit lamang sila ng ilang salita mula sa Bibliya sa ginawang panunumpa ng Pangulo.

1
1200
تعليقات (0)