Sa OIC Summit: US, pinaaalis sa Iraq; Israel, kinondena

PLPHP - AP

PUTRAJAYA, Malaysia-Sinimulan kahapon ng Organization of the Islamic Conference ang pagpupulong ng 57 miyembrong bansa sa pamamagitan ng panawagang pagpapatalsik sa tropa ng US sa Iraq at pagkondena sa patuloy na pag-atake ng Israel sa Palestine, kasabay ng pahayag na ang mga ito ay banta sa "the very survival" ng mga Muslim community sa buong mundo.

 

Ayon kay Syed Hamid Albar, foreign minister ng incoming OIC chairman, Malaysia, "foreign occupation of the country must be brought to an end as soon as possible."

 

Aniya pa, "the occupying powers must work in earnest on a timetable for a democratically elected government to be installed within a reasonably prompt timeframe, with the United Nations playing a central role."

 

"We are gathered here at a time characterized by great challenges confronting the Muslim Ummah [community]," dagdag ni Syed Hamid . "The threats of unilateralism, globalization and terrorism, the precarious situation in the Middle East and the uncertain future of Iraq ... have only served to threaten our very survival."

 

Ito ang bahagi ng talumpati ni Syed Hamid sa pagbubukas ng foreign ministers meeting ng 57-member OIC, bilang paghahanda sa pagtitipon ng national leaders ngayong linggo.

 

Ang pagpupulong ay ang kauna-unahan sa loob ng tatlong taon mula nang maganap ang pag-atake sa US noong Setyembre 11, 2001

 

"Foreign occupation of Iraq today is a reality [as is] the existence of the provisional Governing Council," ani Syed Hamid. "However, foreign occupation of the country must be brought to an end as soon as possible. ... It is our moral duty to assist the people of Iraq to regain their sovereignty and integrity."

 

Idinagdag ni Syed Hamid na "Israel should immediately cease... all acts of violence, terror, provocation, incitement and destruction in the occupied Palestinian territories."

 

Sinabi pa ni OIC Secretary-General Abdelhouahed Belkeziz na ang Muslim world ay kumakaharap sa "enormous dangers."

 

"They are so overwhelming that they are probably unequaled in contemporary Islamic history," ani Belkeziz. "Islam itself stands accused."

1
1201
تعليقات (0)