Pay Hike ng Judges sa 2004

Sammy Martin, Correspondent

MAKAAASA ang mga huwes at mahistrado ng karagdagang suweldo sa susunod na taon.


Ito ay matapos mamagitan si Senate President Franklin Drilon at kinausap sina Senador Francis Pangilinan at John Henry Osme
ٌa na ratipikan ang Bicameral Conference Committee report sa Lunes.

 

Sumang-ayon na umano si Osmeٌa na bawiin ang kanyang pagtutol sa ilang probisyon ng Senate Bill 2018 sa kondisyon na ang dalawang batas na nag-aamyenda sa paggamit ng Judicial Development Fund at pagtiyak sa pagiging independent ng judiciary mula sa mga lokal na opisyal ay magkahiwalay na ikokonsidera.

 

"Indeed, this compromise will pave the way for the much-needed reforms in the judiciary and will reassure our justices and judges that Congress has acted promptly to uplift their interest and welfare," ani Drilon.

 

Batay sa kasunduan, ikokonsidera ng Senado bilang hiwalay na hakbang ang panukalang batas na inihain ni Osmeٌna na nagtatakda na ang JDF ay gagamitin lamang upang makadagdag sa allowance ng mga judicial personnel at bilang pambayad sa maintenance costs ng mga nakatayo nang tanggapan at mga kagamitan.

 

Sa bill ni Osmeٌa, pinagbabawalan ang mga huwes at mahistrado na tumanggap ng allowance at iba pang monetary compensation mula sa mga lokal na opisyal dahil "allowances are coercive and corruptive influence on the judges and justices since they are discretionary and not mandatory."

1
1209
تعليقات (0)