Skyscraper ng Taiwan pinakamataas na gusali

PLPHP - Reuters

TAIPEI - Umabot ang Taipei 101 office block hanggang 508 metro (1,667 ft) kahapon at pinalitan ang Petronas Towers ng Malaysia, bilang pinakamataas na office building sa buong mundo.

 

Sa isang seremonya na dinaluhan ng mga negosyanteng lider, ang 60-metrong (197-ft) spire ang nadagdag sa 101-storey building ngayon na opisyal na naging mas mataas sa 452-metro (1,483-ft) twin towers sa Kuala Lumpur.

 

"I have no doubt that it can bring Taipei to the world and bring the world to Taipei," pahayag ni Taipei Mayor Ma Ying Jeou sa seremonyang ginanap kahapon.

 

Umaasa ang Taiwan na ang bagong gusali ay maglalagay sa Taipei sa mapa ng mundo. Matibay umano ang disenyo ng tower at hindi basta-basta magigiba kahit sa mataas sa pitong Richter scale at "1-in-100 year gales." Normal sa Taiwan ang mga tremor at malalakas na bagyo.

1
1225
تعليقات (0)