Ruta sa Bush visit

Jefferson Antiporda, Kabayan

MAY limang contingency plan ang Metro Manila Development Authority para makontrol at maayos ang trapiko sa mga daang papunta sa Batasan Pambansa sa Quezon City.

 

Naghanda ang MMDA Metrobase ng limang "assumption" plan kung sakaling harangin ng mga demonstrador ang mga pangunahing daan tulad ng EDSA, Commonwealth Avenue, at Quezon Circle/Elliptical Road areas.

 

Para maiwasan ang Quezon City Circle ng mga papuntang Commonwealth Avenue galing sa EDSA, maaari silang kumanan sa Matalino, at pagkatapos ay sa C.P. Garcia, kaliwa sa Katipunan, kanan sa Comonwealth Avenue, kanan sa IBP papunta sa kanilang pupuntahan o mula sa C.P. Garcia ay maaari silang kumanan sa University Avenue, kaliwa sa Ylanan Drive, kanan sa Commonwealth Avenue, kanan sa IBP papunta sa kanilang destinasyon. Samantala, sa Maynila, ang mga jeep na papuntang Pier galing Pasay City, Paco, Sta. Ana at Pandacan ay maaaring dumaan sa Taft Avenue, via Jones Fly-over kanan sa Magallanes Drive, U-turn sa harap ng Post Office tawid ng Magallanes papuntang Anda circle.

 

Para sa mga galing sa Pier, maaari silang dumaan sa Soriano St. mula Anda Circle, deretso sa Magallanes Drive kanan sa P. Burgos papuntang Taft Ave. sa kanilang destinasyon.

 

Ilan lamang ito sa alternatibong ruta. Lahat ng daan na gagamit ng rerouting scheme ay idineklarang Towing zones at No parking Zones ayon sa MMDA.

1
1226
تعليقات (0)