US-style na Seguridad

Nilo Marasigan/Nonnie Ferriol/Otto Osorio

Ipinakita kahapon ng mga US Secret Service agents at ng Philippine authorities ang matinding seguridad na ibinigay nila kay US President George W. Bush.

 

Sa himpapawid pa lamang, dalawang US F-15 fighter jets na ang nag-escort sa Air Force One, ang eroplanong kinalululanan ng American president. Bago ito tuluyang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport eksaktong alas-12:20 ng hapon, isa munang Boeing 747 na nagsilbing advance party nito ang dumating, lulan ang mga US Secret Service agents at ang bulletproof limousine na ginamit ni Bush sa kanyang pagtungo sa Malacaٌang at sa Congress.

 

May 170-180 ft. ang minantine nilang layo ng mga US planes mula sa nag-cover na media. Bago magtungo sa wreath laying ceremony sa Rizal Monument si Bush ay tatlong helicopters din ang nakitang nagsagawa muna ng surveillance sa mga gusali malapit sa Luneta Park upang matiyak na walang mga masasamang elementong magdudulot ng panganib sa bumibisitang US leader.

 

Sa panig ng Philippine authorities, libu-libong mga pulis ang ikinalat nila sa lahat ng mga areas of engagement ni Bush. Ang Armed Forces of the Philippines ay nagdagdag din ng 26 na K9 bomb-sniffing dogs sa mga nasabing lugar.

1
1233
تعليقات (0)