5 Solon umalis sa Congress

PLPHP - AFP

LIMANG leftist na mambabatas ang nag-walk-out sa Senado kahapon habang sinisimulan ni US President George W. Bush ang kanyang talumpati sa pinagsamang sesyon ng Kongreso.

 

Isa sa limang protester ay si House of Representatives member J. Virgilio Bautista, ay nagtangkang magtaas ng anti-war banner habang papaalis pero napigilan siya ng marshal at kinumpiska ang banner.

 

Nagsasalita si Pangulong Bush ng kauna-unahang address sa mga mambabatas na Pilipino ng isang US leader kasunod ng pagtatalumpati ni Dwight Eisenhower noong Hunyo 1960.

 

Ang mga mambabatas na umalis ay mula sa makakaliwang partido kasama si Satur Ocampo, dating lider na komunista.

 

Ilang mambabatas rin na tumutuligsa sa US-led invasion sa Iraq ang nagsuot ng pin na may nakalagay na "Legislators against War," pero hindi umalis at nakinig kay Pangulong Bush.

1
1234
تعليقات (0)