Pampasabog, nasamsam sa Davao

Anthony Vargas, Kabayan

NAKASAMSAM ang pulisya ng hindi pa malamang dami ng gamit pampasabog mula sa dalawang hinihinalang dealer sa isang buy-bust operation sa Tagum City, Davao Del Norte noong Huwebes, ayon sa ulat sa Camp Crame kahapon.

 

Ayon sa ulat, ang operasyon ay isinagawa ng pinag-isang puwersa ng mga ahente ng Criminal Investigation Detection Group (CIDG) at Tagum City Police Office sa Bulbscor Corp. sa Purok 2, Durian, Apokon ng nabangit ding lungsod.

 

Kinilala ng pulisya ang mga inarestong suspek na sina Celso Balili at Primitivo Ligan. Ang Bulbscor Corp. ay may kinalaman sa gold mining sa Mt. Diwata, Monkayo, Campostela Valley.

 

Nasabat mula sa dalawa ang 50 kahon ng dinamita, 120 sako ng ammonium nitrate; 50 rolyo ng safety fuse at 1,000 blasting caps. Pinaniniwalaang ang mga materyales ay gagamitin sa mining operations.

1
1235
تعليقات (0)