Yadao Pagbibitiwin ng DOJ

Grace Velasco, Abante

Determinado ang Department of Justice (DOJ) na pagbitiwin si Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) Judge Ma. Theresa Yadao mula sa paghawak ng Kuratong Baleleng case.

 

Ayon kay Chief State Prosecutor Jovencito Zuٌo, isusulong ng prosekusyon ang pagpapa-inhibit kay Yadao makaraan itong tumanggi na dinggin ang inihain na mosyon na humihiling na re-raffle sa nasabing kaso.

 

Iginiit ni Zuٌo na hindi malayong mawalan ng hustisya ang kaso kung patuloy na si Yadao ang hahawak nito.

 

Sa pinakahuling pagdinig sa nasabing mosyon ay nag-walkout na si Yadao dahil sa pangungulit ng prosekusyon na ipag-utos na nito ang re-raffling ng kaso upang mapunta na ito sa isang Family Court matapos na madiskubreng isa sa mga biktimang miyembro ng Kuratong Baleleng ay isang menor-de-edad.

 

Binigyan-diin ni Zuٌo na makakabuting hindi na si Yadao pa ang humawak ng kaso dahil sa posibilidad na manaig kay Yadao ang pagtanaw ng utang na loob kay dating Pangulong Joseph Estrada na siyang nag-appoint sa hukom sa QCRTC.

 

Diumano, nailipat sa QCRTC si Yadao sa tulong ni dating Justice Secretary Artemio Tuquero, isa ring appointee ni Estrada.

 

Idinagdag pa ni Zuٌo na nangangamba silang magkaroon ng pagkiling si Yadao sa kampo ng pangunahing akusado na si Senador Panfilo Lacson, kilalang kaalyado ng oposisyon at tuluyan nang idismis ang kaso.

 

1
1236
تعليقات (0)