Rallyists itinago kay Bush

AR/JdL/IC - Abante

Walang nakita ni isang anino ng mga rallyista si US President George W. Bush simula nang dumating ito sa Villamor Air Base patungo sa Malacaٌang hanggang sa magsalita ito sa joint session ng Kamara de Representante at Senado sa Batasan Pambansa kahapon.

 

Ito ay sa dahilang natakpan ng mga 6x6 truck na nilatagan pa ng mahabang lona ang mga militanteng grupo na nagsusunog ng US flag at effigy nina Bush at Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo nang aktong dumadaan ang buong entourage ni Bush sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Quezon City patungo sa House of Representantives.

 

Mistula umanong nailagay sa kahon na walang takip ang mga militant groups kaya hindi na nakagawa ng eksena na tiyak na ikaiirita ni Pangulong Arroyo at Bush.

 

Samantala, sa kabila ng mahigpit na cordon na ginawa ng Philippine National Police (PNP) laban sa mga militanteng grupo, nagawa pa rin ng mga rallyista na maiorganisa ang kanilang kilos-protesta laban sa pagdating ni Bush sa may kahabaan ng Commonwealth Ave., Quezon City.

 

Sumiklab ang ilang minutong tensyon nang magkasalpukan ang pinagsanib na puwersa ng PNP, Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa militant groups nang tangkaing pasukin at gibain ang itinatayong barikada ng mga ito sa kahabaan ng Commonwealth.

 

Ilang miyembro ng militanteng grupo ang nasugatan makaraang magkapaluan nang magpumilit na pumasok ang humigit-kumulang na 5,000 grupo ng mga rallyista.

 

Kabilang sa mga sumugod sa harap ng Ever Gotesco sa may kahabaan ng Commonwealth Avenue ay ang mga grupong Gabriela, Bayan, Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, Akbayan, Anakpawis at Kilusang Mayo Uno (KMU) nang sugurin ng mga ito ang nakaharang na barikada ng mga anti-riot police.

 

Naramdaman ng mga motorista ang pagsisikip ng trapiko dahil sa pagsasara ng maraming lansangan sa bisinidad ng Luneta, Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at Villamor Air Base kung saan lumapag ang tinaguring ‘the flying White House’ o ang Air Force One, sakay si Bush at maybahay nitong si First Lady Laura Bush.

 

Kabilang sa mga siyudad na nakaranas ng matinding trapik ay ang Maynila, Paraٌaque at Pasay.

 

1
1237
تعليقات (0)