AFP, PNP wagi sa Bush visit

Rose Miranda/Juliet de Loza/Mac Cabreros/Noel Abuel

Maituturing na malaking tagumpay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang kanilang isinagawang selyadong pagbabantay sa seguridad ng bansa kamakalawa habang dumadalaw si US President George W. Bush.

 

Sa panig ng militar, tumanggap ang mga ito ng papuri mula kay Defense Secretary Eduardo Ermita na nagsabing sa pangkalahatan ay walang naging anumang marahas na kaguluhan sa iba’t ibang bahagi ng bansa partikular sa Metro Manila na pinagdausan ng serye ng anti-US rallies at sa Mindanao na sentro ng local terrorism.

 

Pinapurihan naman ni PNP Chief Director General Hermogenes Ebdane ang buong kapulisan sa magdamagan at mahigpitang pagbabantay sa mga vital installations at lansangan para lamang matiyak na walang makapaghahasik ng lagim habang nasa bansa ang US leader.

 

Iginiit ni Ebdane na katibayan lamang ito na taliwas sa mga pasaring, nananatiling masasandalan ang pulisya sa oras ng pangangailangan.

Kapwa naman pinapurihan ng Malacaٌang ang AFP at PNP sa matiwasay na seguridad sa Bush visit.

 

Sinabi ni Presidential Deputy Spokesman Ricardo Saludo na kuntento na umano si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa ipinakitang trabaho ng militar at kapulisan at maituturing na malaking karangalan na maipakita sa buong mundo kung paano ipinatutupad ng Pilipinas ang maayos na implementasyon ng pagpapanatili ng peace and order.

 

Samantala, inihayag naman ni Local Government Secretary Joey Lina na bagama’t naging matagumpay ang kapulisan sa pagbibigay ng seguridad kay Bush, hindi pa rin dapat ‘mag-relax’ ang mga ito sapagkat marami pa ring nakaambang panganib sa mga mamamayan mula sa mga kriminal at masasamang elemento ng lipunan.

 

1
1256
تعليقات (0)