Blackmail ng Fraport Pinasingaw

Rose Miranda, Star

Nagpaawa effect ngayon ang Malacaٌang sa eskandalong dulot ng reklamo laban sa Philippine government ng German investor na Fraport Company sa World Bank (WB) arbitration.

 

Ito ay matapos sabihin ni Presidential Deputy Spokesman Ricardo Saludo sa panayam ng RMN News Manila na ang gobyerno ang biktima ng ‘political blackmail’ ng Fraport at hindi ang huli.

 

Ikinatuwiran ni Saludo na hindi umano tama na habang nakikipag-usap ang Fraport sa Philippine government hinggil sa problemang legalidad ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 project ay bigla itong humingi ng saklolo sa WB at inireklamo ng extortion ang ilang opisyal ng gobyerno.

 

“Political blackmail po ‘yan, bina-blackmail ang gobyerno. May desisyon na ang Supreme Court at ang Fraport ay nakikipag-usap pa sa gobyerno pero lumapit pa sila sa World Bank. Parang tinututukan tayo ng baril, pine-pressure na kapag di natin ibinigay ang gusto nila, lagot tayo,” ani Saludo.

 

Matatandaang inireklamo ng Fraport sa WB sina Presidential Adviser on Strategic Affairs Gloria Tan Climaco, Presidential Legal Adviser Avelino Cruz at personal lawyer ng First Couple na si Atty. Arthur Pancho Villaraza dahil sa umano’y ‘under the table deal’ na nais ng mga ito kapalit nang pagsipa sa Pilipino business partner na Philippine International Airways Terminal Company (PIATCO).

1
1260
تعليقات (0)