Anti-Bush solons; Lalaban kami!

Eralyn Prado, Kabayan

Hindi kami maaring patalsikin bilang miyembro ng Kamara de Representante at handa kaming lumaban.

 

Ito ang nagkakaisang reaksyon ng mga kongresistang nag-walkout sa pagtalumpati ni US President George W. Bush sa joint session ng Kongreso noong Sabado, kaalinsunod sa mungkahi ng ilang kongresista na dapat silang isalang sa House ethics committee.

 

Ang mga nag-walkout na kongresista ay kinabibilangan nina Bayan Muna Reps. Crispin Beltran, Satur Ocampo at Liza Maza, Akbayan Reps. Etta Rosales at Mario Agua at Partido ng Manggagawa Reps. Renato Magtubo at JV Bautista.

 

Ayon kina Beltran at Satur Ocampo, hindi sila maaring patalsikin ng liderato dahil wala umano silang nilabag na anumang regulasyon ng Kamara na magsisilbing grounds para patawan sila ng kaukulang kaparusahan.

 

“We in Bayan Muna absolutely have no intention to embarrass our homeland but to uphold and assert our national dignity vis-à-vis the Arroyo administration’s embarrassing submissiveness to Bush’s imperial ambitions,” ayon kay Ocampo.

 

“What we did was well within our rights as members of Congress but more importantly our action was demanded by history and the people’s struggle for genuine freedom and democracy,” ayon naman kay Beltran.

 

Iginiit ng dalawang solon na hindi nila maaring basta-basta na lamang isuko ang mandatong ipinagkaloob sa kanila ng taumbayan sa halip na kanila itong ipaglalaban

 

1
1276
تعليقات (0)