Bush Endorsement Inintriga

Boyet Jadulco/Juliet de Loza/Eralyn Prado/Rose Miranda

Naging sentro ng intriga ang umano’y pag-endorso ni US President George W. Bush kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

 

Ayon sa Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya), walang magiging epekto para manalo sa 2004 elections ang nasabing Bush endorsement dahil wala anilang magagawa ang ‘Bush magic’ para makuha pa ni Arroyo ang simpatiya ng masa bunsod na rin ng katiwalian sa kanyang administrasyon.

 

Sa halip na manalo sa presidential elections, malamang na lalo pa umanong bumagsak ang political career nito dahil sa kanyang loyalty sa Amerika.

 

Sa panig ni House minority leader Carlos Padilla, sinabi nitong hindi sapat ang anumang papuring natanggap ng Pangulo mula kay Bush para makumbinsi ang mamamayang Filipino na iboto ito.

 

“Bush or any other world leader cannot come to the succor of President Arroyo because she is an hopeless case,” anang solon.

 

Sa Senado, sinabi ni administration Sen. Francis Pangilinan na hindi siya natutuwa sa balitang inendorso ni Bush si Arroyo dahil ito’y isang uri ng panghihimasok sa soberenya ng bansa bukod pa sa nabibisto lamang ang tunay na kalagayan ng Pangulo sa 2004 polls.

 

“We should rely on our strength. Malacaٌang should rein in its people, order them to stop insulting our sovereignty with these pronouncements,” wika ni Pangilinan.

Samantala, matatag na sinabi kahapon ni Senate President Franklin Drilon na walang binanggit si Bush sa kanyang pagbisita rito sa Pilipinas na susuportahan niya ang kandidatura ni Mrs. Arroyo.

 

“I believe that President Bush was very careful in making a statement that can be interpreted as an endorsement...but I think as a matter of policy, the United States will not interfere in domestic politics,” ani Drilon.

 

Samantala, ayaw namang magkomento ni Pangulong Arroyo sa patutsadang ‘bumango’ ang presidential bid nito sa endorsement na tinanggap mula kay Bush.

 

“President Bush is a friend of the Philippines and the United States is an ally for peace and development. The visit brings renewed confidence in the Philippines,” wika ni Arroyo sa isang press statement mula sa Bangkok, Thailand kung saan dumadalo ito sa Asia Pacific Economic Conference (APEC).

 

1
1278
تعليقات (0)