10 Palestino, patay; 70 sugatan sa air strikes ng Israeli sa Gaza

PLPHP - AFP

GAZA-Nasawi ang 10 Palestino at nasugatan ang 70 iba pa sa serye ng pag-atake ng Israeli sa Gaza noong Lunes, habang patuloy na sinisisi ni Israeli Prime Minister Ariel Sharon si Palestinian leader Yasser Arafat.

 

Sinabi ng Palestinian sources na karamihan sa mga biktima sa limang pagsalakay na nakatuon sa Islamic radical movement na Hamas, kung saan mga sibilyan ang naapektuhan, bagaman nalagasan din ng dalawang militante ang grupong Ezzedin al-Qassam.

 

Sa mga pagsalakay noong Lunes, ang Nusseirat refugee camp sa central Gaza Strip ang pinakanaapektuhan, kung saan pitong Palestino ang nasawi at 40 ang nasugatan, ayon sa Palestinian security sources. Ayon sa hospital sources, lahat ng napatay ay noncombatants.

 

Kinondena ni Saeb Erakat, Palestinian chief negotiator, ang pag-atake bilang "massacre" sa Nusseirat at nanawagan para sa proteksyon ng mga Palestino mula sa international community.

 

"I have called officials in the US administration, the European Union, the United Nations and various countries to ask them to intervene and to protect the Palestinian people," ani Erakat told AFP. Ang pag-atake ay kasunod ng pagkasawi ng tatlong sundalo noong Linggo sa West Bank.

1
1297
تعليقات (0)