Transparency ng Iran, hiniling ng Germany

PLPHP - AFP

TEHRAN-Nanawagan kahapon ang mga foreign minister ng Britain, France at Germany sa Iran na magpakita ng "full transparency" kaugnay ng nuclear programme nito, at nagbabala ng "serious problem" kapag natapos ang joint visit ng tatlo sa Tehran nang walang nabubuong kasunduan tungkol sa krisis.

 

"We share the worries of the international community," ani French Foreign Minister Dominique de Villepin sa mga reporter dito makaraang makipagpulong kay Iranian Foreign Minister Kamal Kharazi kasama ang iba pang lider. "We would like to have full transparency."

 

Idinagdag ni Joschka Fischer ng Germany na: "We hope that we will able to leave Tehran with a full hand." Aniya, "It is a crucial moment for the international community. If we can agree today it would be a step forward, if not we have a very serious problem."

 

Sinabi ni Jack Straw ng Britain na bagaman iginagalang nilang tatlo ang karapatan ng alinmang bansa na magkaroon ng civilian nuclear programme, hindi umano nila matatanggap na ang Iran ay masangkot sa anumang "proliferation activity."

 

"From that basis we hope for a positive result of our discussions today," ani Straw.

1
1300
تعليقات (0)