JI Idineklarang National Threat

Rose Miranda/Al Jacinto, Abante

Idineklara kahapon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na ‘official national threat’ o pangunahing banta na sa bansa ang international terrorist group na Jemaah Islamiyah.

 

Inamin din ni Arroyo na ang nasabing grupo ang prayoridad na suyurin ng kanyang gobyerno at nakatakdang ibigay rito ang atensyon na dating nakasentro sa Abu Sayyaf Group, Moro Islamic Liberation Front (MILF) at New People’s Army (NPA).

 

Ito aniya ay dahil na rin sa mga ulat na malakas na banta ng JI hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong Southeast Asian region kaya’t inatasan din nito ang mga awtoridad ng bagong order of battle laban sa mga tinutugis na foreign terrorists sa bansa.

 

Kaugnay nito, isa sa inilatag na kondisyon ni Arroyo kapalit ng pagpapatuloy ng peace talks sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) ay ang pagtulong nito sa pagtugis sa JI terrorists sa bansa.

 

Samantala, nananatiling tikom ang bibig ng Southern Command sa ginagawa nilang operasyon laban sa JI militants sa Mindanao.

1
1311
تعليقات (0)