RP Pasiklab sa UN

Juliet de Loza, Abante

Determinado ang pamahalaan na ‘magpasikat’ sa United Nations Security Council (UNSC) matapos makasungkit ng two-year non-permanent seat sa 15-member council noong Huwebes.

 

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Blas Ople, isa sa pangunahing layunin ng bansa bilang miyembro ng UNSC ay ang tumulong para mabuwag ang nabuong dibisyon sa UN sanhi ng ginawang military action sa Iraq ng United States.

 

“These are important challenges and we hope to do our part in successfully facing these challenges. Important steps have already been taken to address these challenges and we hope to continue to build on what has already been started,” ayon pa kay Ople.

 

Bukod dito tutulong din ang Pilipinas na makakuha ng consensus sa mga issue ng council. Ang Pilipinas ay sasama sa Security Council sa panahon na nahaharap sa mga mabibigat na hamon ang kapayapaan at seguridad ng sanlibutan.

 

Binigyan-diin ni Ople na prayoridad ng Pilipinas sa UNSC ang pakikipaglaban kontra terorismo.

 

1
1331
تعليقات (0)