33 Minero na nakulong sa minahan, natagpuang buhay

PLPHP - AP

NOVOSHAKHTINSK, Russia-Natagpuang buhay ng rescue workers kahapon ang 33 sa 46 minerong nakulong sa ilalim ng minahan sa katimugang Russia. Ang 13 iba pa ay inilistang nawawala at patuloy ang pagpupunyagi ng emergency workers na mahanap sila.

 

Ang mga minero ay nagtatrabaho sa 800 metro (2,625 piye) nang lumagaslas ang tubig mula sa subterranean lake noong Huwebes at bumuhos sa kanilang daraanan sanhi upang hindi sila makalabas, ayon kay Col. Viktor Shkareda, hepe ng regional emergency department.

 

Mayroong 71 minero na nagtatrabaho sa Zapadnaya mine sa Rostov-on-Don region, tinatayang 1,000 kilometro (600 milya) sa katimugang Moscow, nang maganap ang aksidente, ayon kay Shkareda. Aniya, nakatakas sa sakuna ang 25 minero.

 

Nawalan ng elektrisidad sa minahan, at ang mga minero ay may mahinang baterya na lamang at walang pagkain, dagdag pa ni Shkareda.

 

Patuloy sa paghuhukay ang mga trak habang ang dalawang pangkat ng rescuer ay nagpupunyaging gumawa ng tunnel mula sa katapat na minahan.

 

Kaunti lang din ang hangin na nalalanghap ng mga nakulong na minero kaya't patuloy ang rescue teams sa paggawa ng special ventilation shafts.

 

1
1332
تعليقات (0)