30 Bahay, naabo sa Sampaloc

PLPHP

NASUGATAN ang isang ginang makaraang mabagsakan ng nagliliyab na kahoy habang may kabuuang 30 tahanan ang tinupok ng apoy at tinatayang P5 milyon halaga ng ari-arian ang naabo sa sunog na naganap kamakalawa sa Sampaloc, Maynila.

 

Ang biktimang si Leonora Serrano, 59, may asawa at residente ng 1173-B Casanas cor. Lavaderos St., Sampaloc ay nagtamo ng 3rd degree burns sa katawan.

 

Sa ulat ni Supt. Pablito Cordeta, hepe ng Manila Fire District, isinaad na ang sunog na nagtagal ng tatlong oras ay naganap dakong alas-3:48 ng hapon.

 

Sa inisyal na ulat, sinasabing nagmula ang sunog sa nag-overheat na electric fan ng kapitbahay ng biktima. Nabatid na abala si Serrano sa pagliligtas ng kanilang kagamitan nang mabagsakan ng nagliliyab na kahoy sa balikat.

Mer Layson

1
1341
تعليقات (0)