4 Patay, 6 kritikal sa ambush

Francisco Cabrito Jr., Abante

SAN MARIANO, Isabela-Apat ang patay habang nasa kritikal na kondisyon ang anim na tauhan ng 503 brigade ng Philippine Army matapos tambangan ng 40 New Peoples Army kamakalawa sa Sitio Carawitan, Bgy. Binatug ng bayang ito.

 

Kinilala ni Maj. Rogelio Migote, tagapagsalita ng 5th Infantry Division, ang mga nasawi na sina Pvt. Cariٌo, Sgt. Alcantara, Sgt. Asedon at Pvt. Cavildo.

 

Nasa malubhang kalagayan naman sina Pvt. Zosimo Vallio, Cpl. Daniel Gilona, Cpl. Godofredo Lograning, Cpl. Virgillio Manabat pawang mga miyembro ng 503 IB 5th ID ng PA at si Pvt. Jefford Manzano ng 45th IB 5th PA. Ayon kay Migote, nagpapatrulya ang grupo ng gobyerno na pinamumunuan ni 1st Lt. Andres nang tambangan ng mga rebeldeng grupo sa naturang barangay.

 

Nagsimula ang bakbakan ng dalawang kampo dakong alas-8:45 ng umaga na tumagal hanggang alas-3 ng hapon. Samantala ang rebeldeng grupo ay agad na umalis matapos maisagawa ang pananambang sa tropa ng pamahalaan. Sa kasalukuyan patuloy ang pinaigting na pagtugis ng tropa ng gobyerno sa mga rebelde upang hindi na maulit ang ganitong pangyayari.

1
1342
تعليقات (0)