2 Lindol, yumanig sa China; 8 patay

PLPHP - AP

BEIJING-Niyanig kahapon ng dalawang malalakas na lindol ang hilagang-kanlurang bahagi ng China na ikinamatay ng walo katao at ikinasugat ng walong iba, ulat ng pamahalaan. Naiulat din ang pagguho ng ilang kabahayan sanhi ng aftershocks.

 

Ang mga lindol na may lakas na magnitude 6.1 at 5.8 ay yumanig sa Gansu province dakong alas-8:41 at alas-8:48 ng gabi noong Sabado, ulat ng Xinhua News Agency mula sa Lanzhou, ang provincial capital. Naiulat pang may 17 katao na nagtamo ng minor injuries at ayon sa seismological bureau ng Gansu, inaasahan pa nila ang pagdami ng kaswalidad.

 

Isa sa pinakanasalanta ng lindol ay ang Minle at Shandan counties malapit sa lungsod ng Zhangye, tinatayang 1,400 kilometro (850 milya) mula sa kapital ng Beijing.

 

"It was chaos. People were running out of their homes and into the night," ayon sa isang residente ng Yonggu sa Associated Press.

 

Iniulat ng Xinhua, base sa pahayag ng provincial seismological bureau, na halos 30 porsyento ng mga bahay na malapit sa epicenter ng lindol ang nasira at 90 porsyento ng mga gusali sa Yaozhaizi, sa maliit na bayan ng Yonggu.

 

Ayon sa statement ng Civil Affairs Ministry "over 10,000 residential rooms collapsed" ngunit hindi naman ito ipinaliwanag.

 

"Most people slept outside last night. They wanted to make sure their houses didn't collapse on them," hayag ni Lu Jinggui, clerk sa isang curtain shop sa Minle.

 

Agad namang iniatas ni Premier Wen Jiabao at Vice Premier Hui Liangyu "quick and full" response ng Civil Affairs Ministry at humingi rin ng tulong mula sa militar. Ayon sa Xinhua tinatayang 2,000 padded tents ang itatayo.

1
1346
تعليقات (0)