Ramadan, Simula ngayon

PLPHP

Simula na ngayon ng pag-aayuno ng mga Muslim sa buong mundo, kasabay ng pagpasok ng banal na buwan ng Ramadan, ang ika-siyam na buwan ng Hijra o Islamic calendar.

 

Ang pag-aayuno ay isang obligadong gawain para sa lahat ng Muslim na nasa maayos na kalusugan at kaisipan, tuwing Ramadan. Kapag nag-aayuno ang isang Muslim, siya ay hindi kakain at iinom, gayundin makikipagtalik mula madaling-araw hanggang sa lumubog ang araw, kasabay ng intensyon na ang pag-aayuno niya ay para sa kalugdan ng Allah.

 

Ayon sa mga Islamic scholar, layon ng pag-aayuno na maturuan ang mga Muslim na sanayin ang kanilang sarili na magtiyaga at makaiwas sa anumang tukso. Sa pamamagitan din ng naturang gawain, nagagawang isakripisyo ng mga mananampalataya ang kanilang pagnanais, gayundin ay nalalabanan nila ang satanas, dagdag pa ni Ustadz Razul.

 

Nawa'y tanggapin ng Allah ang inyong mga gawain…..

1
1347
تعليقات (0)