Nameless, Faceless Enemies

NM, Abante

Inamin kahapon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hanggang ngayon ay patuloy silang nangangapa sa pagtugis sa may 30 hanggang 40 galamay ng Jemaah Islamiyah (JI) na sinasabing nagkukuta sa Mindanao.

 

Ayon kay AFP chief of staff Gen. Narciso Abaya, wala pa ring mukha at tunay na pangalan ang mga hinahanting na terorista dahil ang hawak ngayon ng mga awtoridad ay pawang mga alyas lamang.

 

“Medyo mahirap hanapin ‘yung faceless and nameless targets, but I have faith in our intelligence people. Mahirap pero we are trying our best. Ganyan naman nag-uumpisa lahat e. Walang picture, walang pangalan aliases lang,” anang opisyal.

 

Sa kabila nito kumpiyansa pa rin si Abaya na magbubunga ng maganda ang puspusan nilang pagtugis sa mga ito sa pamamagitan ng mas pinalawak na intelihensya.

 

1
1356
تعليقات (0)