Maiikling Balita

Various Collections

Bilang ng namatay, di matiyak

RMN News


COTABATO-Hindi pa matiyak ng Sultan Kudarat PNP ang bilang ng mga namatay sa engkuwentro ng Abu Sayyaf at ng miyembro ng Special Action Force ng PNP sa bayan ng Palembang sa naturang lugar. Ayon kay PNP Provincial Dir. Panfilo Dacoco, nagkasagupa ang grupo nang magsagawa ng operasyon ang tropa ng PNP sa naturang lugar.

 

 

Educational trip, madugo

RMN News


COTABATO-Dalawang empleyado ng
Takurong City government ang namatay matapos na barilin ng may 15 holdaper sa naturang lugar. Ayon sa mga awtoridad, tinambangan ng mga holdaper ang isang van lulan ang may 20 empleyado patungong Davao City para sa isang educational trip. Pilit kinuha ng mga holdaper ang bag ng mga biktima at saka pinaputukan na ikinasawi ng dalawa sa mga ito.

 

 

Dela Cruz, umalma

Dino Balabo


MALOLOS, Bulacan-Umalma si Bulacan Gov. Josie dela Cruz sa aniya'y black propaganda laban sa kanya na layon umanong i-descredit siya lalo na't papalapit na ang halalan. Nagsimula umano ang black propaganda dalawang linggo na ang nakararaan nang ipahayag ng grupong Bulacan Para sa Mabuting Gobyerno at Kaunlaran sa isang forum ng Bulacan Press Club ang umano'y mga anomalya sa pagbili ng mga behikulo ng pamahalaang-panglalawigan mula sa Freeway Motor Sales, Inc. sa bayan ng Baliuag.

 

 

Army detachment nilusob ng NPA, 2 sundalo patay

Ni Karl B. Kaufman, Reporter

 

DALAWANG sundalo ang napatay at isa pa ang nasugatan nang salakayin ng mga rebeldeng New People's Army (NPA) ang isang military detachment kahapon ng madaling araw sa San Miguel, Zamboanga del Sur.

 

Ayon sa ulat na nakarating sa Camp Aguinaldo, Quezon City, ilang hindi mabilang na dami ng armadong NPA rebel ang bigla na lamang nagpaulan ng bala sa detachment ng 51st Infantry Battalion ng Philippine Army sa Fatima village dakong alas-2:30 bago magmadaling araw.

 

Kinilala ni Lt. Col. Joselito Kakilala, tagapagsalita ng Philippine Army, ang mga biktima na sina Nemesio Bendanillo at Marvin Revilla.

 

Nasugatan din si Sgt. Jimmy Principe, isang enlisted personnel, sa pag-atake na tumagal ng halos isang oras bago umurong ang mga rebelde patungo sa karatig na Bgy. Laperian.

 

Batay rin sa ulat, tinangay ng mga rebelde ang tatlong high-powered firearms sa kanilang pagtakas. Ang pagsalakay kahapon ay naganap dalawang araw matapos tambangan ng may 30 hinihinalang NPA guerilla ang isang Army patrol sa bayan ng San Mariano sa Isabela, na nagresulta sa halos anim na oras na palitan ng putok kung saan apat na sundalo ang namatay.

 

Samantala, naniniwala ang tropa ng pamahalaan na nabigo nila ang planong pambobomba ng NPA matapos marekober ang ilang explosive devices, kabilang ang ilegal na Composite-4 o C4 explosive, sa isang rebel safe house sa Lupao town, Nueva Ecija noong Biyernes.

1
1362
تعليقات (0)