Iraq Bombings wa epek sa Pinoy troops

Rose Miranda, Kabayan

Hindi pa rin mawawalan ng loob ang pamahalaan sa pagpapadala ng medical at peacekeeping forces sa Iraq kahit na ginulantang ng serye ng bombing incidents ang nasabing bansa nitong nakaraang araw, ayon kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

 

“This series of atrocities will not discourage us from sending medical and peacekeeping troops to a nation that is indeed in dire need of help,” anang Pangulo kasabay ng pag-aatas sa Department of Foreign Affairs (DFA) na tiyakin ang kalagayan ng mga Filipino nationals na nasa Iraq partikular sa Baghdad na tatlong beses nang sinalanta ng bombing incidents ngayong buwan.

 

Ipinadala ng Pilipinas ang unang batch ng humanitarian workers sa Iraq noong Agosto. Ang 177 sundalo, pulis, at medical workers ay agad na pinapunta sa naturang bansa matapos sumambulat ang isang truck bomb sa labas ng United Nations office sa Baghdad kung saan namatay ang 20-katao.

 

Nagpahayag din ng pakikiramay si Arroyo sa mga naging biktima ng Baghdad bombings.

 

Batay sa ulat, binomba ng mga hindi nakikilalang salarin ang isang bisinidad malapit sa gusali ng International Community of the Red Cross sa Baghdad na ikinasawi ng tatlong-katao kamakalawa at sumunod naman ang pagbomba rin sa kalapit na industry ministry.

 

Bago ito, unang pinaulanan ng rockets ang Rashid Hotel na pansamantalang tinutuluyan ni US Defense Secretary Paul Wolfowitz kung saan isang American colonel ang nasawi at 17 iba pa ang nasugatan.

 

1
1376
تعليقات (0)