Sa Isyung Nukleyar, N. Korea, 'bumibigay' na

PLPHP - AP

SEOUL, South Korea-Lumalambot na ang North Korea sa paninindigan nito kaugnay ng paggawa nito ng nuclear weapons, at lumalakas ang posibilidad para sa panibagong yugto ng multilateral talks, ayon sa isang top South Korean official kahapon.

 

"I think North Korea is revising its position," ani South Korean Unification Minister Jeong Se Hyun. "North Korea has shown some positive steps forward."

 

Inilahad din ni Jeong ang kahandaan ng North Korea para ikonsidera ang alok ni US President George W. Bush na multilateral security assurances kapalit ng pagtigil ng NoKor ng nuclear programs nito.

 

Matatandaang, hiniling ng North Korea ang "nonaggression treaty" sa United States, isang kahingiang binalewala ng Washington.

 

Sa hiwalay na pahayag, sinabi ni South Korean Foreign Minister Yoon Young Kwan na inaasahan niya ang isa pang yugto ng pag-uusap sa Disyembre.

 

"The date for the second round of six-nation talks has not been set yet. But our government hopes it will happen in the beginning or middle of December," ani Yoon.

 

Dagdag niya "Since all the related countries have not started discussing the date, it's still too early to say when."

 

Anumang kasunduan tungkol sa nuclear standoff ay dumaraan sa mahigpit na negosasyon. Ang pangunahing tanong na dapat sagutin ay kung ang mapaglihim na North Korea ay handang hayaan ang mga inspektor na tiyakin na sinira na nga nito ang kanilang nuclear facilities.

 

Sinabi ni Jeong, chief negotiator sa regular na Cabinet-level talks sa pagitan ng North at South Korea, na tila hihilingin din ang North Korea ng tulong pang-ekonomiya bilang bahagi ng kasunduan. Aniya, nais ng North Koreans na ipatupad ang kasunduan nang may "simultaneous actions" ng magkabilang panig.

 

Nagpulong ang mga kinatawan ng United States, China, Russia, Japan at dalawang Korea sa Beijing noong Agosto sa layuning matapos na ang krisis nukleyar. Natapos ang pagpupulong na walang nabuong kasunduan ang mga delegado.

 

1
1379
تعليقات (0)