UN: Krisis sa tubig, posible

Mer Layson, Kabayan

NAGBABALA kahapon ang United Nations sa posibleng krisis sa tubig sa buong mundo sanhi na rin umano ng patuloy na lumalaking populasyon at walang pakundangang pagkokontamina sa mga ilog, lawa at iba pang anyong pinanggagalingan ng tubig.

 

Ito'y bunga nang nangyaring kontaminasyon sa tubig sa ilang lugar sa Tondo, Maynila na naging sanhi ng pagkasawi ng limang katao at pagkaka-ospital naman ng mahigit sa 250 pang biktima sa iba't ibang pagamutan.

 

Matatandaang nang magkaroon ng UN General Assembly ng taong kasalukuyan ay itinanghal itong International Year of Freshwater (2003) at layunin nitong gisingin ang kamalayan ng mga tao at kumilos para protektahan ang mga yamang tubig sa buong mundo.

 

Base sa ulat ng UN, mayroong 1.2 bilyong tao ang hindi ligtas sa kanilang iniinom na tubig at 2.4 bilyon naman ang walang tamang pasilidad sa tubig.

 

Dahil dito, mayroon ding 3 milyong tao ang namamatay araw-araw mula sa sakit sanhi ng maduming tubig at 6,000 mga bata ang namamatay dahil sa sakit na maliligtas sana kung mayroong maayos na patubig.

 

Ayon kay Kofi Annan, UN Secretary General, sa kanyang mensahe para sa International Year of Freshwater, kailangang pag-ibayuhun ng mundo ang kanilang yamang tubig, mga irigasyon at pagtatayo ng mga bagong water infrastructure para sa mas maayos na serbisyo at kaligtasan ng mga tao.

1
1390
تعليقات (0)