Mahathir, namaalam; Abdullah, nanumpa

PLPHP - AP

KUALA LUMPUR, Malaysia-Nanumpa kahapon sa kanyang tungkulin bilang bagong punong ministro ng bansa si Abdullah Ahmad Badawi, kasunod ng pagbibitiw ni Mahathir Mohamad, na namuno sa bansa sa loob ng 22 taon.

 

Si Abdullah ang ikalimang punong ministro ng Malaysia. Apat na taong naglingkod si Abdullah bilang deputado ni Mahathir.

 

Umaasa si Mahathir na mapaglalabanan ni Abdullah ang mga pagsubok sa kanyang panunungkulan.

 

Mamanahin ni Abdullah, 64, ang matatag na ekonomiya ng bansa gayundin ang maayos na sitwasyong pulitikal.

 

Gayunman, haharap siya sa mga hamon mula sa internasyunal na komunidad sanhi ng pahayag ni Mahathir tungkol sa "Jewish world dominance" at ang pagpanalo mula sa Islamic fundamentalist party sa eleksyon sa susunod na taon.

 

Ipinanganak si Abdullah sa pamilyang relihiyoso at pulitiko noong Nobyembre 26, 1939 sa Penang. Ang kanyang ama, si Ahmad Badawi, ay isa sa founding member ng United Malays National Organization na nakipagnegosasyon sa pagwawakas ng pananakop ng Britanya sa bansa noong 1957.

 

1
1402
تعليقات (0)