50 Thai prostitutes, namamatay dahil sa AIDS kada taon: Report

PLPHP - AFP

BANGKOK-Mahigit 50 Thai women na napilitang pumasok sa prostitusyon sa Japan ang namamatay doon kada taon dahil sa AIDS, sinabi ni Thailand's ambassador to Japan Kasit Pirom, ayon sa isang report kahapon.

 

Ngayong taon, naibalik na sa Thailand ng Tokyo embassy ang abo ng 50 babae, ani Kasit sa The Nation newspaper. Kada buwan, tinutulungan ng misyon ang dalawang babaeng tumakas mula sa mga bahay-aliwan. Noong nakaraang linggo, ang misyon ay nilapitan ng isang Thai woman na may AIDS at hiniling sa mga opisyal na pauwiin na siya sa Thailand dahil mas gusto niyang mamatay sa sariling bayan.

 

Ayon pa sa ambassador, karamihan sa mga babae na nalulong sa prostitusyon ay mula sa mahihirap na lugar sa north at northeast Thailand at niloko ng mga ahente.

 

Ilan sa mga ito ay pumayag na magpakasal sa mga Hapones subalit iniwan ang kanilang mga asawa dahil sa cultural difficulties at bumabagsak sa mga bahay-aliwan kung saan sila pinahihirapan, ani Kasit.

 

"The sex workers may have to service eight to 15 men a day," ani Kasit sa The Nation. "They have little chance of clearing their debt within two years without getting AIDS."

 

Takot din umano ang mga babae sa Yakuza, na kumokontrol sa sex trade doon.

 

1
1425
تعليقات (0)