Gusaling kinaroroonan ni Bush, binangga ng kotse

PLPHP - Reuters

SOUTHAVEN, Miss.-Ibinangga ng isang babae ang kotse na may lulan na mga bata sa isang gusali kung saan nangangampanya si US President George W. Bush noong Sabado, kaya't pinaligiran siya ng mga pulis at kinaladkad habang may nakatutok na baril.

 

"The president was never in any danger whatsoever," ayon sa tagapagsalita ng White House na si Trent Duffy sa mga reporter. "There was a vehicle that did crash into the side of the building."

 

Ani Duffy, ang suspek ay agad na idinetine at ibinigay sa kustodiya ng lokal na pulisya. Ipinakikita sa television footage ang mga naka-helmet na pulis na nakapaligid sa isang dark car at makikita ang isang blond-haired woman na nagpupumiglas. Makikita ring inilalayo ng pulisya ang isang batang babae at lalaki.

 

Si Bush ay sakay ng kanyang limousine nang mga oras na iyon at hindi naman malapit sa nasabing kotse nang bumangga ito sa loading dock area ng DeSoto Civic Center, dagdag ni Duffy.

 

Nakita si Bush na kumakaway sa mga reporter bago sumakay ng Air Force One.

 

Hinabol ng mga security official ang kotse nang tumawid ito sa parking lot na lumalabag sa security perimeter sa paligid ng gusali, ayon sa mga nakasaksi.

 

1
1427
تعليقات (0)