Generals hati kay Davide

Rose Miranda/Nilo Marasigan - Abante

Nahahati ngayon ang militar sa posisyon kung pagbibitiwin o hindi sa puwesto si Supreme Court (SC) Chief Justice Hilario Davide.

 

Ito’y matapos itatwa kahapon ng Association of Generals and Flag Officers (AGFO) na karamihan sa kanilang mga miyembro ang humihirit ng resignasyon ni Davide.

 

Sa isang phone interview, sinabi ni ret. Philippine Army General Angel Sadang na isang heneral lamang na hindi nito kinilala, ang nagsuhestiyong magbitiw na lang si Davide upang magmukha itong martir.

 

“Hindi naman buong AGFO, isa lang ‘yun at hindi naman seryosong usapan,” ani Sadang.

 

Samantala, pinag-iingat ng Malacaٌang ang taumbayan laban sa anumang banta ng kudeta at destabilisasyon laban sa administrasyong Arroyo. Gayunpaman, iginiit ni presidential spokesman Ignacio Bunye na hindi ito isang uri ng pagpapaalarma sa taumbayan kundi isang paraan lamang upang mas magkaroon ng kooperasyon ang lahat ng sektor.

 

Kaugnay nito, sinabi ni AFP-Public Information Office Chief Lt. Col. Daniel Lucero na malabo ang tsansang masundan pa ang naganap na mutiny sa Makati o anumang uri ng pagkilos para guluhin ang Arroyo government. Aniya, malaking bagay sa katatagan ngayon ng Armed Forces of the Philippines ang nilikhang ‘grievance mechanism’ dahil malaya nang naipapaabot ng mga sundalo ang kanilang mga hinaing sa trabaho

 

1
1443
تعليقات (0)