Tulong para sa overseas workers, hiniling sa NGOs

Kabayan

NANAWAGAN kamakailan si Labor and Employment acting Secretary Manuel G. Imson sa non government organizations (NGOs) na nagmo-monitor sa kapakanan ng Filipino performing artists sa Japan na tulungan ang mga overseas Filipino worker (OFW) sa paghahain ng kaso laban sa kanilang abusers.

 

"Filipino performing artists who dominate the entertainment scene in Japan also deserve assistance not just from the government but also from NGOs whose work concerns OFWs," ani Imson.

 

Ipinaliwanag niya na ang gobyerno at ang NGOs ay kailangang magkatuwang at magtulungan upang makamit ang hustisya para sa inabusong OFWs.

 

Aniya, "The partnership of government and the NGO community must be complementary, not adversarial." Binigyang-diin ng opisyal na mahalagang tulungan ng NGOs ang mga OFW sa paglalabas ng sinumpaang salaysay o paghahain ng mga kinakailangang reklamo sa labor court ng host na bansa sa pamamagitan ng Philippine Missions.

 

Inilahad niya na ang reklamo tungkol sa pang-aabuso sa Filipino entertainers sa Japan ay madala, maisulat at mabalita ngunit ang mga reklamong ito ay bihirang nakararating sa korte dahil sa kawalan ng sworn statements o affidavits sanhi upang iklasipika ang pahayag bilang hearsay, na nagiging dahilan upang mapigilan ang mga law enforcement at judicial authorities sa pagpapatupad ng batas laban sa mga umabuso.

 

Hinikayat din ni Imson ang mga entertainer na pakinabangan ang bagong alituntunin at regulasyon ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na nagsasaad ng mahigpit na parusa laban sa mga lumalabag sa karapatan ng OFWs

 

Bukod sa pagpupursige sa kanilang mga reklamo sa pamamagitan ng legal system ng Japan, sinabi ni Imson na maaaring humingi ng tulong ang inabusong entertainers sa adjudicatory facilities of the Philippine government sa pamamagitan ng National Labor Relations Commission (NLRC) o ang POEA kapag nakauwi na sa bansa ang biktima

1
1445
تعليقات (0)