400 US Marines, Dumating sa RP

PLPHP - AFP

CLARK-Humigit-kumulang 400 US Marines ang dumating dito kahapon para sa military joint training, hayag ng US military.

 

Ang US troops ay pinagbawalang magkampo sanhi ng posibleng banta ng terorista at lokal na komunista, ani Colonel Steven Busby, co-director ng dalawang linggong kaganapan.

 

Ang 15-araw na exercises na tinawag na Talon Vision ay kinasasangkutan ng mga sundalong Amerikano at tinatayang 900 Pilipinong sundalo.

 

Ayon kay Colonel Flaviano Valduheza ng Philippine Air Force, co-director ng exercise, magsasalo ang US at Filipino troops sa mga taktika sa paglaban sa terorismo at sabay rin nilang io-operate ang US-Philippine military aircraft at iba pang kagamitan.

 

1
1449
تعليقات (0)