Walang trabaho sa bansa, bumaba sa 6.5%-survey

Kabayan

BUMABA sa 6.5% na nasa hustong gulang na Pilipino, ang walang trabaho mula sa dating 12.2% noong Hunyo, ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Station mula Agosto 30 hanggang Setyembre 14.

 

Ang nasa hustong gulang na walang trabaho ay nasa edad 18 pataas na naghahanap ng trabaho nang gawin ang survey. Ang ganitong survey ay sinubaybayan na ng SWS mula noong 1993.

 

Ayon sa survey, bumaba ang antas ng walang trabahong lalaki ng 5.0 porsiyento mula sa 8.3 porsiyento noong Hunyo, 2003 habang ang mga babae naman ay naging 9.9 porsiyento na lamang mula sa dating 19.6 porsiyento noong Hunyo, 2003. Batay rin sa survey, higit na maraming babae ang walang trabaho kaysa sa lalaki.

 

Umabot sa 12.7 porsiyento noong Hulyo, 2003 ang walang trabaho, ayon sa pinakahuling opisyal na survey at dito ay kabilang ang 15 taon pataas.

 

Ang survey ng SWS ay ginawa sa harapang panayam ng may 1,200 may sapat na gulang na may pataang plus-minus 3 porsiyento sa 95% antas ng tiwala sa national-level percentages.

 

Ang survey na ito ay kusang ginawa ng SWS at hindi ipinagawa ng sino man. Nagpahayag ng tiwala ang Pangulong Arroyo na higit na maraming trabaho ang mababalik sa sektor ng pagsasaka ngayong tapos na ang suliranin sa El Niٌo.

 

Binigyang-diin ng Pangulo na sisikapin niyang makaakit ng dagdag na puhunan sa pagsigla pa ng kabuhayan ngayong magtatapos ang taon.

1
1464
تعليقات (0)