Death toll sa Indon floods, 80; tataas pa

PLPHP - AP

BUKIT LAWANG, Indonesia-Patuloy pa rin ang rescuers sa pagliligtas at paghahanap sa mga biktima ng pagbaha sa isang resort na ikinasawi ng humigit-kumulang 80 katao.

 

Sa 123 bilang ng mga nawawala, inaasahang madaragdagan pa ang bilang ng mga namatay. Maraming bangkay kahapon ang natagpuan habang patuloy ang mga nagdalamhati sa pagdarasal para sa mga namatay. Naiulat na kabilang sa mga nasawi ay dalawang German, isang Singaporean at dalawang Austrian.

 

Ang pagbaha ay isinisisi sa ilang araw na malakas na pag-ulan na naging sanhi ng pag-apaw ng Bahorok River, na dumaloy sa bayan ng Bukit Lawang. Dose-dosenang hotel at restawran ang nasira sa trahedya.

 

Sinisisi ng mga opisyal ang pagbaha sa illegal logging sa kagubatan sa itaas na bahagi ng bayan, na dinarayo ng buong mundo ang orangutan reserve nito.

 

Isa pang posibleng dahilan ng trahedya ayon sa mga lokal na residente ay ang pagpapatanggal ng pamahalaan ng daan-daang puno.

1
1469
تعليقات (0)