Suspek sa Bali, Marriott

PLPHP - AP

Hotel bombings, lilitisin JAKARTA, Indonesia-Haharap sa paglilitis ng korte rito sa dalawang kaso ng pambobomba ang isa sa pinakamataas na suspek sa Bali at J.W. Marriott Hotel bombings ayon sa pulisya kahapon.

 

Si Jhoni Hendrawan, kilala rin bilang Idris, ay nasakote sa Medan, kapital ng hilagang Sumatra noong Hunyo 12 at ipinadala sa Bali para sa imbestigasyon kaugnay ng kanyang pagkakasangkot sa pambobomba sa Bali Island noong Oktubre 12 na ikinasawi ng mahigit 202 katao. Ibinalik siya sa Jakarta noong Oktubre 15.

 

Si Hendrawan ay sinasabing tumulong sa pagpopondo ng mga pambobomba at nagtungo sa Bali upang i-survey ang puntirya ng pag-atake.

 

"We have completed the interrogation for Hendrawan's role [in the Bali attack] and the Jakarta police took over the questioning for the Marriott probe," ani Col. Boy Salamudin, hepe ng Bali police detectives.

 

"He will stand trial in Jakarta and the evidence of the Bali case will be merged with the Jakarta one," dagdag ni Salamudin.

 

Ayon sa pulisya si Hendrawan ang nag-recruit sa suicide bomber na si Asmar Latin Sani, na kasama ang bangkay sa natagpuan sa pinasabog na Marriott Hotel noong Agosto 5.

 

Labing apat na suspek na ang naaresto kaugnay sa mga pambobomba, dalawa sa kanila ay nahuli sa Cirebon, kanlurang bayan ng Java noong Miyerkules.

 

1
1470
تعليقات (0)