$87.5 bilyon, inilaan ng US para sa Iraq, Afghanistan

PLPHP - AP

WASHINGTON-Lalagdaan sa lalong madaling panahon ni President George W. Bush ang $87.5 billion package na kanyang hiniling para sa Iraq at Afghanistan, ngunit gagamitin ng kanyang kritiko ang pag-aapruba ng Kongreso para bigyang-diin ang kabiguan ni Bush kaugnay ng mga polisiya sa Iraq.

 

"Our country is being tested," ani White House press secretary Scott McClellan sa pahayag na inilabas sa Crawford, Texas, kung saan nagpalipas ng weekend si Bush. "Those who seek to kill coalition forces and innocent Iraqis want America and its coalition partners to run so the terrorists can reclaim control."

 

Aniya, ang pondo sa tulong ng international donors, ay makatutulong sa Iraq na makabangon muli hanggang sa magkaroon ng sariling gobyerno. Makatutulong din ang pondo sa Afghanistan upang maging mapayapa, demokratiko at matatag, anang opisyal.

 

Noong Lunes, ipinagtanggol ng Republicans ang package bilang isa sa mabuting paraan ng pagbangon ng Iraq. Ang panukala ay dinomina ng $51 billion para sa US military operations sa Iraq at $18.6 billion para ibalik ang oil industry, magsanay ng police officers at pagbangon ng ekonomiya at gobyerno ng bansa.

 

1
1471
تعليقات (0)