2 JI Member sa Korte: Kasuhan o palayain kami

PLPHP - AFP

KUALA LUMPUR, Malaysia-Hiniling kahapon ng dalawang hinihinalang miyembro ng Jemaah Islamiyah na palayain sila o kasuhan, makaraang makulong nang dalawang taon nang hindi sumasailalim sa paglilitis upang patunayan na sila ay banta sa seguridad ng bansa.

 

Sinabi ng mga abogado nina Yani Ismail at Abdul Samad Shukri, mga suspek, na gustong malaman ng dalawa ang sanhi ng pag-aresto sa kanila at pagpapanatili sa kulungan.

 

Nagpalabas na ang mga abogado ng habeas corpus action sa High Court sa Kuala Lumpur, na humihiling ng atas na ang dalawa ay isailalim sa paglilitis o palayain.

Ang naunang habeas corpus applications ng mga hinihinalang militante ay nabigo. Ayon kay Edward Saw nabigo ang pulisya na magbigay ng balidong dahilan sa pagdakip sa dalawa noong Disyembre 29, 2001.

 

"It is not enough to accuse a suspect of acting in a manner prejudicial to the security of the country," ani Saw kay Judge Heliliah Mohammed Yusoff. "They must state the grounds for the arrest ... there must be material particulars, and evidence to substantiate the arrest."

 

Sina Ahmad at Abdul ay inaresto sa isang pagsuyod laban sa Jemaah Islamiyah sa Malaysia. "There is absolutely not a shred of evidence that our clients will in future act against the security of Malaysia," ayon kay Edmund Bon isa pang abogado ng dalawa.

1
1494
تعليقات (0)