Diplomatic protest sa Spratlys, posible

PLPHP - AFP

KAPAG napatunayan na lumabag ang mga Tsino sa kasunduan sa Spratlys, magsusumite ng diplomatic protest ang Pilipinas sa China. Ayon sa Pangulo, ito ay pagsuway sa umiiral na kasunduan ng anim na bansa na lumagda sa isang pahayag sa pamamaraan ng mga kabahagi sa South China Sea.

 

Sabi ng pangulo, "Inutusan ko ang DFA na sumangguni sa DND at dalhin ang isyu sa diplomatic level kung maaari," sabi ng Pangulo sa isang pahayag.

 

Kasunod ang reaksyong ito ng Pangulo sa ulat ni military chief General Narciso Abaya noong Huwebes na dumadalas ang pagbisita ng mga Chinese research vessel at warship sa Spratlys Island gayundin ang pagkakaroon ng mga bagong market sa mga reef doon.

 

Ang China, Pilipinas, Brunei, Malaysia, Taiwan at Vietnam ay pawang claimant sa Spratlys, isang chain of islands sa South China Sea na pinaniniwalaang mayaman sa malawak na mineral resources.

 

Nagkaroon ng kasunduan noong isang taon ang Association of Southeast Asian Nations, kasama ang Brunei, Malaysia, Philippines at Vietnam, at China na lahat ng umaangkin sa Spratlys ay hindi muna aaksyon tungkol dito.

1
1495
تعليقات (0)