US Troops, Nalagasan muli

PLPHP - AFP

MOSUL, Iraq-Nasawi ang isang sundalong Amerikano habang pito ang nasugatan sa isang pag-atake sa kanilang convoy sa hilagang lungsod ng Iraq sa Mosul, ayon sa military spokesman.

 

Naganap ang pagsalakay dakong alas-7 ng umaga sa silangang bahagi ng Mosul, kung saan nagpakawala ang mga salarin ng rocket-propelled grenades, ani Major Hugh Cate, tagapagsalita ng US military sa Mosul.

 

Tumaas sa 143 ang bilang ng namatay sa panig ng tropang Kano mula noong Mayo 1, nang ideklara ng Washington ang pagtatapos ng giyera sa Iraq.

 

Bagaman nagdadalamhati, isinumpa ng mga kasamahan ng mga nasawing sundalong Amerikano na ipagpapatuloy ang laban para sa ikatatahimik ng Iraq.

 

Sa memorial service para sa 15 sundalong nasawi sa Chinook helicopter na pinabagsak sa Fallujah, nagdasal ang mga naiwan para sa kanilang nasawing kasamahan.

 

Ani Colonel David Teeples, namumuno sa 3rd ACR sa Al-Asad, "Despite the recent tragedy, troops from the 3rd ACR remain strong and dedicated to continue our mission in Iraq."

 

Samantala, nagdalamhati rin ang Poland sa kauna-unahang sundalo nitong napatay sa pag-atake noong Huwebes, ilang araw bago ang pagbisita ni Prime Minister Leszek Miller.

 

Ang Poland ay mayroong 9,000-strong multinational force sa central at southern Iraq at mayroong 2,500 sundalo sa bansa. Isa ang Poland sa may malaking contingent sa Iraq, kasunod ng United States, Britain at Italy.

1
1496
تعليقات (0)