'Surrender na kami!'

Annie Ruth C. Sabangan at Johnna Villaviray, Kabayan

"Tinitira na kami dito!..Pinapatay na kami dito pare!...Surrender na kami!" Dinig na dinig sa radyo ang mga salitang ito ni dating Air Transportation Office chief Panfilo Villaruel sa isang panayam sa DZBB hanggang maiwan niya ang kanyang cellphone na bukas at marinig na lamang ay ang kanyang malalim na paghinga na halos hindi na marinig dahil sa malalakas na putok ng baril at pasabog.

 

Madaling-araw ng Sabado, napatay ang 62-taong si Villaruel at ang kanyang aide na si Lt. Ricardo Catchillar ng Philippine Navy ng special operations team ng Aviation Security Group at ng Philippine National Police sa loob ng 12th floor ng NAIA air control tower.

 

Ito ay matapos na tumanggi ang dalawa na isuko ang sinakop na aviation traffic building ng may apat na oras mula 11 p.m. ng Biyernes hanggang 2:45 a.m. ng Sabado.

 

Hindi pa rin opisyal ang tunay na dahilan kung bakit ginawa ni Villaruel ito bagaman sinabi niya sa isang radio interview na malaki ang hinanakit niya sa pamahalaan. Aniya, sawang sawa na siya sa lantarang korupsyon na nangyayari sa gobyerno.

 

Tinangka ng mga awtoridad na makipagnegosasyon kay Villaruel subalit putok ng baril ang isinagot nito. Dahil dito, napilitang pasukin ng mga operatiba ng SWAT ang tore ng NAIA at nakipagsabayan ng putok. Nang mapawi ang usok, nakabulagta at wala nang buhay sina Villaruel at Catchillar.

 

 

May dagdag na ulat sina J. Antiporda at Karl Kaufman

1
1511
تعليقات (0)