US NAGBABALA: Al-Qaida, aatake muli

PLPHP

WASHINGTON-Nagbabala kahapon ang US kaugnay ng planong pag-atake diumano ng al-Qaida operatives sa cargo jets sa Canada, Mexico o sa Caribbean at pabalikin sa United States upang sumalakay naman sa nuclear power plants at iba pang kritikal na imprastruktura, ulat ng Washington Post kahapon.

 

Naglabas ang FBI at Department of Homeland Security ng security warning sa pamahalaan at industry officials kahapon makaraang mapag-alaman ang banta mula sa isang indibidwal, ayon sa ulat.

 

"We haven't had the opportunity to fully judge his credibility," anang opisyal na pamilyar sa impormante. Ngunit ayon sa intelligence officials credible ang source, at sapat upang maglabas ng babala.

 

"There is threat information pointing to that as a possible means they might use, including in this country," anang opisyal na ayaw magpabanggit ng pangalan."There is nothing specific, but there is interest on their part in possibly using this [cargo plane] as a means to launch an attack against US Facilities."

 

Matatandaang ang al-Qaida ang itinuturo at sinisisi sa trahedyang naganap noong Setyembre 11, 2001, kung kailan na-hijack ang eroplano at bumangga sa World Trade Center sa New York at sa Pentagon, na ikinasawi ng humigit-kumulang 3,000 katao.

1
1513
تعليقات (0)