Susuko na, niratrat pa

Sandy Araneta/BQuejada/JCantos/LTolentino - Star

Susuko na si retired Phil. Air Force (PAF) Col. at dating ATO chief Panfilo Villaruel sa mga operatiba ng PNP-Aviation Security Group bago ito pinaulanan ng bala na kanyang ikinasawi kasama ang isa pa niyang aide na si Navy flight officer Lt. Senior Grade Richard Cachiliar, sa isang tangkang pag-agaw sa control tower ng NAIA terminal 2 kahapon ng umaga.


"Surrender na kami!" sigaw ni Villaruel ilang minuto bago siya paputukan ng ASG.


Sa live interview kay Villaruel ni GMA-7 broadcaster Arnold Clavio sa radio DZBB, sinabi ng una na "Tinitira kami. Papatayin kami dito, pare. Surrender na kami."


Sa puntong ito, nagbigay ng direktiba si Clavio sa kanyang reporter na malapit sa site sa NAIA na sabihin ni Caro sa mga tauhan nito na susuko na ang dalawa. "Paki
inform sa baba. Sumusuko na sina Col. Villaruel at Gatchalian," pahayag ni Clavio.


Ilang segundo pa, nakarinig na ng mga putok kung saan narinig na sumigaw si Villaruel ng "Aaahhh!" Huli na para marinig ang pagsuko ni Villaruel. Nang tangkain pa itong kausapin ni Clavio sa cellphone, wala ng sumasagot.


Ang assault team na binubo ng dalawang 7-man team ng ASG ang naatasang mag-neutralize sa nagaganap na krisis sa control tower. Nabigo rin nilang marinig ang call for surrender.

 

Ayon naman kay Senior Supt. Andres Caro, chief ng PNP-ASG, sa isang panayam sa ABS-CBN matapos ang insidente, alas-12 ng hatinggabi ng pasukin ng dalawa ang control tower. Ipinaalam sa kanya ang pangyayari ala-una ng madaling araw.


Alas-2 ng madaling araw, nakatanggap siya ng marching orders sa mga higher officials na i-neutralize ang sitwasyon. Dalawang team ng ASG ang pinapunta sa site.


Umakyat lamang sa tower ang mga tauhan ng dahil hindi na gumagana ang elevator. Nakarating sila sa 11th floor ng tower bandang 2:30 am.


Pagsapit sa 11th floor, nakita ng mga ASG men na nakakandado ang pintuan kaya ginamitan nila ng pampasabog para mabuksan ang bakal na pinto. Isang hagdanan na patungo sa view deck ang kanilang naispatan at ilang segundo pa ay nagkaputukan na.


Ayon kay Caro, may hawak na
granada si Cachiliar bago ito mabaril kaya wala umanong choice ang mga awtoridad kundi paputukan ito.

 

Nagkaroon umano ng palitan ng putok sa pagitan ng ASG at nina Villaurel at Cachiliar.


"We were ontly there to carry out the marching orders and to take over the control tower," pagbibigay diin pa ni Caro.


Sa Lunes pa ipalalabas ang pinal na resulta ng autopsy pero sa inisyal na impormasyon na ibinigay ni PNP-Crime Lab director P/Chief Supt. Restituto Mosqueda, ang ugat ng pagkamatay ng dalawa ay bunga ng "multiple gunshot wounds."


Sinabi ni Mosqueda na bukas ang PNP-Crime Lab na ipasuri sa labas ang katawan ng dalawa sakaling hindi kuntento ang pamilya nina Villaruel at Cachiliar sa resulta ng eksaminasyon sa labi ng mga ito.


Kaugnay nito, inimbitahan ng pulisya ang driver ni Villaruel na si Sablan. Ipatatawag din ng PNP ang huling 5 traffic controller na kasama sa pinababa ni Villaruel.


Balik na sa normal ang sitwasyon sa paliparan. Matapos ma-clear ang area, ang piloto ng unang lumapag na eroplano galing
Los Angeles ay si Paul Michael Villaruel, anak ng napatay na ex-ATO chief.

 

 

1
1515
تعليقات (0)