Judgment Day kay Davide

Joel R. San Juan, Kabayan

Pagpapasyahan ngayon ng Supreme Court kung hahayaan o haharangan na madala sa Senado ang articles of impeachment, na inihain ng ilang miyembro ng House of Representatives laban kay Chief Justice Hilario Davide Jr.

 

Sa isang briefing kahapon, hinikayat ni Court Administrator Presbitero Velasco, Jr. ang lahat ng partidong sangkot, lalo na ang mga kongresista na nagsusulong ng impeachment kay Davide, na sumunod sa magiging desisyon ng SC upang mapigilan ang posibleng constitutional crisis at kaguluhan.

 

"I'm sure [the decision of the SC will resolve the present crisis] because everybody is supposed to respect and abide by the decision of the Supreme Court. It is the only body in this government that is entrusted with the power, the duty to decide controversies involving the interpretation of the Constitution. So, they really need to decide, otherwise, there will be confusion," babala ni Velasco.

 

Idinagdag pa nito na inaasahang ipalalabas ang desisyon sa 15 nakabinbin na petisyon, na humihiling sa SC na ideklarang unconstitutional ang impeachment complaint, ngayong umaga o bago mag-resume ang sesyon ng Kongreso ngayong hapon.

 

Ang mga mahistrado, maliban kay Davide, ay abala mula pa noong Biyernes sa paggawa ng kanilang posisyon ukol sa kaso.

 

Ang mga isyung inaasahang pagpapasyahan ay kung ang mga petitioner ay may legal standing o party in interest, kung dapat na silang mamagitan, kung ang impeachment ay purely a political issue o hindi, kung constitutional ang House rules sa impeachment, at kung dapat pairalin ng SC ang judicial restraint.

 

 

GMA, Umaasa pa rin


Umaasa pa rin si Pangulong Arroyo na malulunasan ang sigalot sa kasong impeachment na iniharap ng ilang kongresista laban kay Davide.

 

Sa panayam sa radyo, sinabi ng tagapagsalita ng Pangulo, Ignacio R. Bunye na sapul sa simula ay tinangka na ng Pangulo ang mamagitan at hindi siya nawawalan ng pag-asa na matatapos nang maayos at kasiya-siya para sa lahat ang namamagitang sigalot.

 

Matatandaang nanawagan ang Pangulo sa Kapulungan ng mga Kinatawan na bawiin ang sumbong laban kay Davide at ibalik ito sa lupon sa katarungan upang masiyasat, para makatulong sa pagbabatas, ang tungkol sa Judicial Development Fund (JDF).

 

 

Disciplinary action


Kinukunsidera ng Lakas Christian and Muslim Democrat ang pagpapataw ng disciplinary action sa mga Lakas lawmaker na tumatangging bawiin ang kanilang lagda sa impeachment case laban kay Davide.

 

Inamin ni Lakas spokesman Heherson Alvarez na ang pagpapataw ng parusa ay isa sa kanilang mga opsiyon. "We do not want our country to face a really big problem just because some of our members refused to cooperate in our effort to maintain peace and stability in our country," wika ni Alvarez.



 

1
1524
تعليقات (0)